Ang CopySafe Web ay nagbibigay ng pinakamabisang copy protection para sa mga imahe sa pamamagitan ng encryption at domain lock. At dahil dito, ang inyong mga imahe ay protektado sa lahat pati na ang inyong staff at web master, at hangga't ang mga imahe ay nakikita, protektado ang mga ito sa lahat ng uri ng pangongopya katulad ng PrintScreen at screen capture soft- ware. Ang CopySafe Web plugin ay ang tanging paraan upang maiwasan ang screen capture. Ang ibang mga solusyon na nangangakong poprotektahan kayo sa mga nag-screen grab ay pawang mga nanloloko lamang. Ang mga gawaing ito ay maaaring makabiktima ng mga walang malay na bisita ngunit hindi ang iba. Kapag pinalitan ng pangalan ang executable ay maaari na ulit kopyahin ang imahe kahit kailan nila naisin.
Pag-kontrol ng Kopya sa mga Popular na Web Browsers
Halos lahat ng web browsers ay popular at nagbibigay ng iba't-ibang paraan
para madaling makilala ang media. May iba't-ibang opsyon upang ang mga ito
ay makopya, ma-capture, o mai-download at pasa sa iba. At dahil dito, upang
mapanatili ang mga sites na madaling gamitin, maraming webmasters ang nagi-
ging panatag sa kaunting seguridad at binubuksan nila ang mga paboritong web
browsers ng mga taong gumagamit. Dahil dito, mahirap gamitan ng copy pro-
tection ang mga pahina ng web at ang mga taong nasasabing kaya nila itong
gawin sa pamamagitan ng paglalagay lamang ng code sa pahina ay hindi nila
lubos na naiintindihan ang konsepto ng copy protection. Natural sa
mga browsers ang maging protektado sa mga codes sa mga pahina ng web at ser-
vers. Maaaring manipulahin ang laman ng pahina ngunit hindi ang application
at pagkakabuo nito sa inyong Windows OS. Ang tanging paraan upang makita ang
mga nilalamang iyon ay ang paggamit ng nasabing plugin na parehong inapruba
ng gumagamit at ng operating system ng kanilang kompyuter.
Paglalagay ng Capture Safe Protection sa mga Web Pages
Ang
CopySafe Web plugin ay katulad ng ibang browser plugins o Flash bilang
isang halimbawa. Ito ay hindi awtomatikong makikita sa browser at kaila-
ngan pa itong i-download at i-install upang masiguro na ito ay ang pinaka-
bagong bersyon, Kapag ang pahina ay tumambad, ang plugin ay ma-a-activate
at kapag ang pahina ay isinara, ito ay mabubuwag. Habang ito ay aktibo,
hindi maaaring gumamit ng Print Screen o kahit anong screen capture soft-
ware ang sinumang gagamit.
Image Encryption at Domain Lock
Ang mga
CopySafe Web encrypted na mga imahe ay gumagamit ng
Domain Lock upang
masiguro na ang mga ito ay maaaring makita lamang sa inyong website. Ang mga
imahe ay na-encrypt sa pamamagitan ng paggamit ng algorithm na base sa inyong
domain name upang masiguro na sila ay hindi mai-di-display sa ibang website.
Ang mga imaheng ini-encrypt na nasa inyong server ay ligtas mula sa iba katu-
lad ng inyong mga empleyado at tagapamahala, webmaster at data center staff.
Ang CopySafe Web Insert Method
Ang paraan na tinatawag naming "CopySafe Web Insert" ay tungkol sa paglala-
gay ng isang napakaliit na encrypted na imahe sa isang pahina ng web upang
gamitin ang kakayahan ng
CopySafe Web plugin upang maprotektahan ang nasa-
bing pahina ng web. At dahil ang paglo-load ng encrypted na imahe ang da-
hilan kung bakit gagana ang plugin, lahat ng pahina ng web ay maaaring i-copy
protect sa simpleng pagdaragdag ng HTML upang maidisplay ang nasabing imahe.
Ang tanging kakailanganin ay kakaunting linya ng HTML code na maaaring
idagdag sa kahet anong pahina ng web, anuman ang programming language na
ginamit para dito. Ang
CopySafe Web ay maaaring gamitin kapares ng lahat
ng uri ng web applications. Halimbawa, maaari mo itong gamitin sa WordPress,
Joomla, Drupal o Moodle na pawang mga PHP o base sa MySql na aplikasyong
tumatakbo sa isang Apache web server. Maaari ring gamitin ang mga apli-
kasyong tumatakbo sa Cold Fusion, .Net o Sharepoint sa isang Windows server
at ito ay normal na gagana pa rin.
Ang imahe na inyong gagamitin para sa
CopySafe Web Insert ay maaaring pa-
liitin base sa inyong kagustuhan. Halimbawa, ito ay maaaring gawing
20 x 20 pixels o maaari mo itong paliitin pa lalo at itago sa 1 x 1 na
bilang ng pixels. Kaso lamang, kailangan mo itong kumpirmahin kung ito
ay nai-load ng tama sa pamamagitan ng paaglalagay ng isang hyperlink sa
isang imahe. Maaari kang maglagay ng isang escape point katulad ng isang
link upang makapag-click-to-leave mula sa isang pahina upang mapawalang-
bisa ang bisa ng proteksyon ng plugin.
Copy Protection para sa Lahat ng Uri ng Media
Sa pamamagitan ng pagdi-display ng isang
CopySafe Web na imahe sa isang
pahina ng web (insert method), lahat ng nasa pahinang iyon ay magiging pro-
tektado laban sa Print Screen at screen capture software, kasama na pati
ang mga screen recorders. Ang ibig sabihin nito ay maaari mong i-copy
protect ang lahat ng uri ng media na maaaring i-embed o ilagay sa isang
pahina ng web, kasama na ang Flash na sine, PDF na dokumento, mga animasyon,
Java applets, 3D objects at lahat ng uri ng videos katulad ng ASF, AVI, MP4,
at WMV.
Database Integration para sa mga Rekord ng Imahe
Ang CopySafe encrypted na mga imahe ay maaaring i-display gamit ang Java
applet o ang ActiveX object upang maging viewer. Halimbawa ng mga codes na
maaaring gamitin sa ibang templates ay kasama na sa software. At dahil ang
mga imahe dito ay mga encrypted at pribado, pinapangalanan ng image conver-
ter ang mge ito base sa kanilang lapad at taas dahil ang mga ito ay hindi
maaaring kopyahin nang basta-basta lamang. At dahil dito, ang tanging im-
pormasyon na maaaring irekord sa isang database ay ang mga file names ng
mga imahe, na kung saan maaaring kunin ang lapad at taas o tangkad ng mga
ito sa pixels. Halimbawa, ang isang tipikal na imaheng ini-encrypt ay ma-
aring magmukhagng ganito: StarOfLight_0600_0400_C.class, na kung saan ang
lapad nito ay 600 pixels at ang tangkad naman nito ay 400 pixels. Ang "C"
ay kumakatawan sa "CopySafe", samantalang ang "S" naman ay nagpapakita na
ang imahe ay nai-encrypt gamit ang Secure Image Converter (ito ay naiibang
encryption program na para sa mga Mac at Linux computers).
Plugin Installers, Downloads at mga Libreng Upgrades
Ang mga plugin installers ay makukuha para sa lahat ng sikat na browsers.
Ang mga plugin downloads naman ay maaaring makuha mula sa inyong sariling
website or mula sa ArtistScope server. Ang mga installers at mga pahinang
pang-download ay ibinibigay kasama ng software, nang sa gayon ay iyong mai-
pasadya ang mga ito upang bumagay sa disenyo ng inyong website. Upang ma-
panatili ang pagiging makabago ng inyong site, ang plug in upgrades at ang
suporta sa inyong kliyente ay libre at walang hangganan. Kapang nagkaroon
ng upgrade, ang tanging pagbabagong kailangang gawin sa inyong mga pahina
sa web ay ang pagpapalit ng version number na ginamit upang ma-detect ang
inyong script.
Pagpapalit ng Lebel ng Proteksyon sa Iba't-ibang Pahina
Ang ganap na proteksyon ay maaaring maglimita sa inyo sa paggamit ng task
bar, menus at ng keyboard. Sa ibang pahina, maaaring nais ninyong magkaroon
ng ganap na proteksyon; samantalang sa iba naman katulad ng mga web forms,
at mouse interactive objects ay baka nais ninyong siguruhin na maaaring ga-
mitin ng mga bisita ang kanilang mouse at keyboard keys. Ang default na
settings ay ang ganap na proteksyon. Kung nais niyo itong palitan ay piliin
lamang ang mga bahagi mula sa "true" at gawing "false":
Ang mga online na demos ay nagpapakita ng mga halimbawa para sa mga naka-
listang settings sa taas. Ang inyong web designer ay maaaring payagan o
hindi ang pag-access, base sa Windows version, web browser type at version
nito. Halimbawa, sa isang propesyonal na corporate network, baka nais mo
lamang na Internet Explorer 9 ang tanging browsers na maaaring makapasok
sa network o ang pinakabagong bersyon ng Firefox, Chrome, etc. Maaari mo
ring hadlangan ang lahat ng mga matatandang bersyon ng Windows. Kahit ano
ang inyong piliin, papalitan mo lamang ang nakasulat sa inyong settings file
o maaari rin namang magkaroon ng hiwa-hiwalay na settings file para sa bawat
pahina.
Command Line at Server Side Encryption ng mga Imahe
Ang
CopySafe Web software ay isang Java application na maaaring paganahin
gamit ang lokal na command-line o sa pamamagitan ng paglalagay sa isang ser-
ver at kontrolado ng mga pahina sa web mula sa server side DLL para sa integ-
rasyon sa ibang aplikasyon at CMS solutions. Ang server-side installation
ay maaaring siguruhin ang inyong mga site members na sila ay makaka-upload ng
mga imahe at maaari nilang protektahan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-e-
encrypt. Maaari rin silang makasama sa inyong member database. At sa pama-
magitan ng pagre-request ay makakakuha ng isang ready-made na DLL na may
sample na scripts para magamit sa mga websites na hinoh-host sa Windows
Servers. Ang DLL suportado ng IIS sa Windows Server 2003, Windows Server 2008
at ng Windows Ultimate. Ang DLL ay libre ngunit ito ay walang warranty.
Para sa karagdagang impormasyon, presyo at online demos, maaaring pumunta sa
aming parent site sa pamamagitan ng pag-click dito.