Copy at Print Protection para sa Seguridad ng PDF Documents at Ebooks

Copy at Print Protection para sa Seguridad ng PDF Documents at Ebooks


Ang CopySafe PDF ay ang pinakamabisang solusyong panseguridad para sa mga eBooks at sa mga PDF na dokumento. Gamit ang mga pinaka-epektibong paraan ng pagprotekta laban sa pagkopya at pag-capture, kasama na ang ganap na kontrol sa pamamahala ng inyong mga mambabasa, maaari niyo nang protek- tahan ang mga kritikal na datos na inyong ginagamit sa inyong kabuhayan.

  • Iwasang makopya ang dokumento gamit ang Print Screen at screen capture.
  • Iwasan ang walang pahintulot na pagpasa at pamamahagi sa iba.
  • Mag-set ng password na hindi maaaring ma-extract sa kahit anong paraan.
  • Mag-set ng expiry na di maaaring dayain ng pag-iiba sa orasan ng kompyuter.
  • Mag-set ng bilang ng araw o oras kung kailan mag-eexpire ang dokumento.
  • Limitahan ang pag-print at ang bilang na maaaring i-print.
  • Limitahan ang bilang ng pagbisita ng bawat gagamit.
  • Mamahagi ng protektadong PDF sa pamamagitan ng email, download o disk.
  • I-display ang protektadong PDF sa inyong web pages.
  • Ganap na kontrol na epektibo kaagad-agad kahit sa mga dating nai-download na.

Ang CopySafe PDF ay nagbibigay ng pinakamabisang seguridad para sa inyong mga PDF o dokumento gamit ang pinaka-sopistikadong pamamaraan upang mabigyan ng tamang proteksyon ang lahat ng senaryo ng paggamit sa mga ito. Katunayan, kapag ikinumpara ang CopySafe PDF sa iba, magtataka kayo kung bakit pa nila ginagamit ang mga katagang "copy protection" kung wala namang bisa ang mga pamamaraan na kanilang ginagamit.

Mas Mabisang Seguridad para sa PDF

Ang susi sa integridad ng CopySafe PDF protection ay ang paraan at uri ng pagkakadisenyo nito. Ito ay gumagamit ng pinakamatatag na encryption tech- niques at lahat ng mga sangkap at bahagi nito katulad ng mambabasa, ang nag- ginawa upang hindi malusutan ng mga ilegal na mangongopya.

Pinakamahusay na PDF Protection

Ang CopySafe solution ay nagbibigay ng mabisang copy protection simula pa noong 1998. Sa ngayon, walang ibang kumpanya ang kayang palitan o gayahin ang mga pamamaraan ng pagkontrol sa pagkopya at pagse-save ng mga iba. Ni isa ay walang makakahambing sa mga CopySafe. Ang mga iba na nagsasabing kaya nilang pigilan ang pag-capture ay nililimitahan lamang ang isang "ap- plication" sa pag-takbo at kapag pinalitan ang pangalan ng "executable" nito ay maaari na ring kopyahin ang mga dokumento at i-save. Samakatuwid, hindi nila binabawalan ang mismong pag-capture at paggamit ng Print Screen.

Magtalaga ng Password upang Maprotektahan ang mga Dokumento

Ito na yata ang pinakapopular na paraan ng pagprotekta sa isang dokumento-- ang password protection. Kung nais mong magbigay ng isang password upang t legal na makapag-pasa at pamahagi ng mga dokumento, ito marahil ang iyong pinaka-unang gagawin. Datapwat ito ay nangangailangan ng matinding kata- patan sa mga taong pagbibigyan ng inyong password dahil kung hindi, ito ay mapapawalang-bisa at hindi magiging epektibo. At isa pa, mayroong mga ap- plications na maaaring gamitin upang ma-extract ng iba ang inyong password kaya wala rin itong bisa, pag nagkataon.

Magtalaga ng expiry date (expiry protection) sa mga Dokumento

Isa ring popular na pamamaraan ng pagprotekta ng dokumento ay ang pagta- talaga ng expiry date. Pagsapit ng naturang petsa ay hindi na maaaring buksan ang dokumento. Maganda sana ito ngunit sa kasamaang-palad ay napakadali ring paikutin ng seguridad na ito. Papalitan lamang ng bisita ang date ng kanilang kompyuter at maaari na nilang dayain ang petsa ng expiry. Maaari ring gumamit ng independyenteng time server na hindi maa- aring kontrolin ng gumagamit at mga may-access sa dokumento. Ang CopySafe PDF ay nagbibigay ng opsyon upang gumamit ka ng time server checks o lokal na time checks para sa mga walang Internet connection.

Magtalaga ng bilang ng araw o oras para magamit lamang ang mga dokumento

Imbes na magtalaga ng eksaktong petsa ng expiration, magtakda ka ng bilang ng araw o oras na mag-eexpire ang dokumento, mula sa punto na binuksan ito ng isang mambabasa. Ang opsyon na ito ay pinakanababagay na gawin para sa pamamahagi ng mga dokumento sa disk, nang sa gayon ay magsisimula lamang ang bilang ng mga araw kapag ito ay nabuksan na, kahit nakatambak pa ito ilang linggo o buwan nang hindi nabubuksan. Ang expiration sa pamamagitan ng bilang ng araw o oras ay nabibilang nang sakto at impunto. Dapat lang tandaan na para magamit ang kakayahang ito, kinakailangang i-convert ang dokumento para sa DRM control (at hindi lamang copy protection) at wala itong magiging epekto hangga't bukas ang mga dokumento.

Pigilan ang pagpi-print o limitahan ang bilang ng maaaring i-print

Sa CopySafe PDF, maaari mong bigyan ng pahintulot ang sinumang taong gusto mong makapag-print sa inyong dokumento o hindi. Kapag ang isang tao ay di pinayagang makapag-print ay hindi niya kailanman magagawa ito. At kapag pinayagan naman, maaari lamang silang mag-print ng bilang na inyong iti- nakda at tunay na printers lamang ang maaari nilang gamitin at hindi ang isang virtual na printer na maaaring makopya ang inyong orihinal na doku- mento. Sa pamamagitan ng paggamit ng aming DRM, mas mabibigyan ng tamang kontrol ang papprint at malilimitahan ang paggamit sa dokumento at ng mga taong magtitingin nito. Halimbawa, kung gusto mo na ang bawat user ay maaaring magprint ng isang beses ng partikular na dokumento, iyon lamang ang tanging makukuha ng bawat isa.

Pigilan ang pagpasa o pamamahagi nang walang paalam (rights protection)

Ang tanging paraan na maaaring gawin upang pigilan ang paggamit sa dokumento nang walang paalam ay ang paggamit ng DRM o "Document Rights Management" at ang tanging paraan upang magkaroon ng DRM na hindi maaaring malusutan ng iba ay sa pamamagitan ng paggamit ng ArtistScope DRM. Ang kompanyang ito ay nagbibigay ng libreng DRM support sa mga taong may lisensya ng CopySafe PDF sa pamamagitan ng kanilang servers na nasa Australia at Estados Unidos.

Ganap na kontrol sa pamamahala ng mga dokumento (super DRM)

Ang DRM para sa inyong mga dokumento ay LIBRE at ito ay nagbibigay ng ganap na kontrol sa lahat ng mga gumagamit sa dokumento at ang mga katangian ng dokumentong ito. Halimbawa, maaari mong isuspindi ang sinumang bumili ng inyong online na tutoryal o dokumento kapag nalaman mong gumamit siya ng ninakaw na credit card o tsekeng tumalbog. Ang bawat pagbabago sa DRM ay kaagad-agad na magiging epektibo kahit ang mga dokumento ay naidownload na ng mga users.

CopySafe PDF Reader

Ang CopySafe PDF Reader ay LIBRENG download para sa publiko. Sinusupor- tahan ng reader na ito ang lahat ng mga katangiang nakikita sa iba pang mga PDF readers katulad ng pagresize ng pahina, pag-zoom ng imahe, auto-scroll, bookmarks, hyperlinks at ang pinaka epektibong copy protection at access rights management options. Ang CopySafe PDF Reader ay maaaring ipamahagi kasama ng inyong project bilang isang download para sa inyong website o sa disk kasama ang inyong dokumento.

Para sa karagdagang impormasyon, presyo, trial software at demo ng aming For more information, pricing, trial software and demo DRM account to DRM account, maaaring puntahan ang aming parent site sa pamamagitan ng pag- click dito.


facebook
twitter
email
Live Customer Service