Digital Rights Management (DRM) para sa mga Dokumento at EBooks

Digital Rights Management (DRM) para sa mga Dokumento at EBooks


Ang ArtistScope DRM ay nagbibigay ng kakayahan ang mga may-akda upang makontrol ang mga taong gustong bumasa ng kanilang eBooks at dokumento, at kung hanggang ilang beses maaarang basahin, i-print o i-download ng mga mambabasa ang mga ito.

  • Pagbawalan ang partikular na indibidwal or grupo na basahin ang iyong dokumento.
  • Pangasiwaan ang lahat ng may karapatang basahin ang protektadong dokumento.
  • Pangasiwaan ang mga dokumentong maaaring basahin ng ibang indibidual o grupo.
  • Kabuuang kontrol sa lahat ng aspeto na epektibo pagkaraang palitan ang setting.
  • Maglagay ng expiration date gamit ang oras sa computer o base sa oras ng server.
  • Maglagay ng expiry base sa araw o oras mula nang unang buksan ang dokumento.
  • Limitahan ang bilang ng pagbisita ng isang user o grupo.
  • Limitahan ang bilang ng prints ng isang user o grupo.
  • Limitahan ang bilang ng pag-access ng isang IP number o network.
  • Pagbawalan ang pag-share at pag-pasa.
  • Mamahagi sa pamamagitan ng email, download o disk na di maaaring i-share.

Hindi mabubuksan ng sinumang walang pahintulot ang mga dokumento, at dahil dito, ang Artistscope DRM ang pinaka-maayos na depensa sa ilegal na pagbabahagi. at pamimigay ng dokumento. Kapag ito ay ipinagpilitang ipamahagi sa iba nang walang pahintulot, ang dokumento ay mapapawalang-bisa at hindi ito mapakikinabangan, na lamang kung ito ay pahintulutan ng may-akda.

Pag ang ArtistScope DRM ay iyong ginamit, maaaring ipamahagi ang eBooks o magpadala ng dokumento sa iyong kliyente habang iyong kinokontrol ang walang paggamit ng walang pahintulot. Maaari mong bawiin ang permiso kung sa iyong palagay ay sapat na ang bilang ng beses na nagamit, na-print o nabasa ang eBook o dokumento. Maaari mo ring i-set ang bilang ng oras na maaaring gamitin ng mga bisita sa pag- view ng Ebook o dokumento, pati na rin ang partikular na tao o grupo na maaari lamang gumamit nito. Lahat ng setting na iyong papalitan ay kaagad-agad ding magiging epektibo, pati na sa mga dokumento na dati nang na-save at naipamahagi sa CD o yung mga dati nang dinownload sa inyong pahina. Maaari mo ring wag nang pahintulutan ang ibang kliyenteng ayaw nang magbayad ng subskripsyon at pati na rin kung walang pahintulot na i-pinost ang dokumento sa isang website na pampubliko at walang paalam.

Lahat ng may-akda ay magkakaroon ng karapatan upang i-access at kontrolin ang mga ss:

  • Gumawa at mamahala ng grupo at subscribers at kontrolin ang paggamit ng mga ito.
  • Mangasiwa sa pagbibigay ng pahintulot sa mga dokumento at ang mga pagbabago nito.
  • Magpadala ng balita at piliin ang mga subscribers na maaaring bumasa nito.
  • Magpadala ng mga dokumento mula sa mga online sales ng mga may-akda.
  • Ibalita at i-rekord ang status ng mga subskripsyon at iba pang aktibidades.

Liban sa mga kakayahang ng mga may-akda, ang Administrador ay maaaring pangasiwaan ang kabuuang seguridad at polisiya na kailangang sundan ng mga may-akda at subscribers. Pati na ang mga sumusunod (ss):

  • Access at pamamahala sa mga grupo, dokumento at subscribers.
  • Pagtalaga ng limitasyon at karagdagan sa pag-access network.
  • Mga opsyon para sa sistema ng pagsu-subscribe at pagpili ng accounts.
  • Opsyon upang ibahin ang mga email na ipapadala sa mga subscribers.
  • Pag-view at karapatang palitan ang statistics ng lahat ng accounts.

Kahit anong dokumento ay maaaring palitan o i-convert sa PDF at ito ay mapapamahalaan gamit ang ArtistScope DRM na nagbibigay sa inyo ng karapatang kontrolin ang lahat ng aspetong may kinalaman sa pag-print, pagbubukas ng dokumento, atbp. Sinisiguro ng aming DRM na ang mga taong may permiso lamang ang makakabukas ng mga dokumento o eBook at bilang administrador ay maaari mong palitan ang setting na nagbibigay-pahintulot sa kanila upang magbukas, magprint at magpasa ng iyong dokumento. Ang anumang pinalitan sa settings ay kaagad-agad na magkakabisa at damay na din dito pati ang mga dokumento at eBooks na dating nadownload at naipamahagi na sa email at CDs.

Ang ArtistScope DRM software ay maaari ring ma-rentahan bilang isang hosted na serbisyo o bilhin upang ito ay mai-install sa inyong sariling server para magamit sa inyong bisnes o intranet. Para sa karagdagang impormasyon, presyo at kung papaano i-download ang trial software at demo DRM, maaaring bumissita sa aming pinaka-punong site sa pamamagitan ng pag-click dito.


facebook
twitter
email
Live Customer Service