Copy Protection at Rights Management (DRM) para sa Video

Copy Protection at Rights Management (DRM) para sa Video


Ang CopySafe Video Suite ay nagbibigay ng lahat ng inyong kai- langan upang mabigyan ng seguridad at mabantayan ang distribusyon ng inyong copy protected na video files online at offline kasama na ang:

  • Video converter para i-encrypt ang ASF, AVI, MP4 at WMF na video files.
  • Desktop video player para mapanood ang encrypted video mula file o disk.
  • Browser plugins para sa sikat na web browsers upang mapanood ang video sa mga web pages.
  • Stream server para i-broadcast ang encrypted na video mula sa Windows web server.
  • DRM control at hosted na serbisyo o software para kontrolin ang mga gumagamit.

CopySafe Video Encoder

Ang CopySafe Video Encoder ay maaaring gamitin upang mai-convert ang isang video file at maging isang pribadong H264 na format. H264 ay ang pinakabagong video compression na format na hindi i-kokompromiso ang kalidad ng video kahit paliitin pa ang file nito. Halimbawa, ang 300 MB na ASF Video na napaliitan na ay maaari pang paliitin ang file size hanggang 200 MB gamit ang H264 nang hindi nababawasan ang kalidad nito. Ang mga Flash files ay hindi suportado dahil ang Flash video ay likha lamang ng conversion mula sa mataas na kalidad na AVI o orihinal na MP4.

Ang CopySafe Video Encoder ay mag-iimport at mag-eencrypt ng halos lahat ng uri ng video files para mai-play sa ArtistScope media Player at browser plugin, kasama ang mga opsyon na ito:

  • Copy protected para sa pagbabahagi sa email, pag-download o sa disk.
  • Copy protected na may DRM para sa distribusyon sa email, download o sa disk.
  • Copy protected para sa online viewing sa isang web page.
  • Copy protected para sa online viewing sa isang web page gamit ang domain lock.

CopySafe Video ay nagbibigay ng DRM protection para sa online at offline na panonood. Pag ang DRM ay ginamit, sisiyasatin ng Media Player ang user's status sa DRM Portal kung siya ay awtorisadong makapanood ng nasabing video. Ngunit kung walang internet connection o ang nasabing user ay offline, sisiyasatin naman ng Media Player ang rehistro para sa imported certificate files.

Secure Video Media Player

Ang CopySafe Video Encoder ay may kaparehong katangian sa Windows Media Player, ngunit ito ay mas pinasimple at mas madaling gaimitin at main- tindihan. Ito ang tanging media player na may kakayahang mag-decode ng aming pribadong H264 files at ito lang din ang may kakayahang mag-palabas ng local files sa disk o sa aming stream server.

Secure Video Browser Plugins

Ang plugin versions ng media player ay maaaring gamitin sa lahat ng sikat na web browsers upang mabigyan ng pagkakataon ang users na makapanood ng inyong copy protected na video sa inyong web pages. Idi-display ng plugins ang isang halintulad sa desktop player na may kaparehong pihitan para sa "pause", "resume" at "sound level". Ang browser plugins ay maaaring mag-play mula sa static na files na nasa website o na manggagaling sa stream server, na maaaring i-host sa kahit anong Windows server.

Pamamahagi ng Media Player

Ang media player at plugins ay maaaring i-download nang libre ng publiko at ang mga installers nito ay maaari ring ipamahagi kasabay ng inyong mga videos sa pamamagitan ng pagdownload sa inyong website o sa disk.

  • All-in-one na installer para sa desktop media player at plugins.
  • Installer para sa desktop media player lamang.
  • Hiwalay na plugin installers para sa Internet Explorer at Mozilla web browsers.
  • Isang installer para sa lahat ng web browsers (kasama ang mga plugins).

Ang player at ang mga plugins ay libre at maaaring lagyan ng inyong sari- ling tatak para sa inyong proyekto at ito ay hindi magiging problema. Saman- tala, ang pagtatatak para sa applications na pang-seguridad ay hindi inire- rekomenda. Ang kahit anong solusyong pamproteksyon na nangangakong magbi- bigay ng kakayahan sa inyong maglagay ng isang custom na tatak para sa segu- ridad ay mangangailangan lamang ng binyag ng Windows at ng isang anti-virus na software. Sa madaling salita, ang mga ito ay mas interesadong bentahan lang kayo ng produkto na kapag inyong ipinamahagi ay maaaring makasira lamang sa inyong kredibilidad.

Copy Protection at DRM Options

Ang isang video ay maaaring i-convert ng CopySafe Video Encoder para sa "copy protection" na mayroon o walang kasamang DRM. Para sa pagbabahagi ng DRM offline at sa labas ng Internet, ang mga videos ay maaaring ipamahagi ng may kasamang espesyal na katibayan. Ang katibayan o certificate na ito ay ma- kapagbibigay ng pahintulot sa isang user upang mapanood ang videoo nang wa- lang internet connection.

Paglilisensya sa ArtistScope Secure Video

Ang media player installer, kasama na ang mga browser plugins, ay maaaring i-download nang libre ng publiko ngunit ang mga instrumento na gagamitin sa paglalathala ng inyong protektadong video ay maaaring bilhin at bayadan para makuha ang mga ito. Ito ay isang royalty-free na lisensya na maaaring gamitin para sa isang kompyuter lamang upang makagawa ng copy protected na pelikula. Kung kakailanganin ng mas madaming lisensya para sa mas maraming kompyuter, maaari kayong makakuha ng diskwento mula sa amin.

Para sa karagdagang impormasyon, presyo at trial software, makipag-ugnayan sa aming parent site sa pamamagitan ng pag-click dito.


facebook
twitter
email
Live Customer Service