Proteksyon at Seguridad ng Website at Web Browser

Proteksyon at Seguridad ng Website at Web Browser


Ang ArtistScope Site Protection System (ASPS) ay binubuo ng dalawang bahagi ng solusyon na nagbibigay ng pinaka-mabisang proteksyon na maaaring i-apply sa pag-view ng web. Walang butas na maaaring masalisihan ng mga dalubhasa sa pag-hack o pagnanakaw sa internet gamit ang ASPS filter na tumatakbo sa side ng server upang i-encrypt o gawin itong code na mahirap hulaan at mabuksan sa ArtisBrowser na nasa computer ng isang gumagamit. Ang ASPS ay ang pinakamagandang solusyon sa pag copy protect ng lahat ng nakasulat o nakapaskil sa web sa pamamagitang ng:

  • Paghadlang sa download at save ng web pages, html at ng kanilang mga content.
  • Paghadlang sa Print Screen , screen capture at screen recording.
  • Paghadlang sa media at image downloaders sa pagkuha ng importante at pribadong links.
  • Paghadlang sa leakage ng data at pagprotekta sa database records.
  • Pagprotekta sa lahat ng web page media katulad ng Flash, PDF at video.
  • Pagdeliver sa lahat ng web requests at responses gamit ang pinaka-matatag na encryption.
  • Suportado ang lahat ng web applications, scripting languages at SSL.
  • Suportado ang ibang third party CSS o DRM solution.
  • Walang kinakailangan ng encryption para sa kahit anong media.

Ang ArtisBrowser ay isang secure browser o browser na may seguridad na ginagamit upang makita o mabasa ang content na protektado ng ASPS. Ang mga bisita ng sites na gumagamit ng ASPS ay kaagad-agad na makakapag-pabalik-balik sa kanilang napiling browser at sa Web Reader, base sa kung sila ay nagbabasa/nanonood ng ASPS content o ng normal na web pages lamang.

Ang ASPS ay magbibigay ng pinaka siguradong copy protection at pananatilihing may seguridad ang lahat ng uri ng media, data at links na maaring i-display sa inyong web pages. Ang ASPS ay pahihintulutan ang server na gumawa ng web page gamit ang kahit anong lengguahe ng computer katulad ng HTML, JavaScript, PHP, ASP, .Net, Sharepoint at ColdFusion at pagkatapos ay dali-dali nitong i-e-encrypt para mainterpret ng ArtisBrowser lamang at wala nang iba.

Kahalagahan ng Paggamit ng ArtistScope Site Protection System (ASPS)?

Sa panahon ngayon, marami na ang bilagn ng mga web browsers at karamihan sa mga ito ay mga kopya or hango lamang sa mga sikat na browsers tulad ng Internet Explorer or Mozilla at dinisenyo para maging popular sa mga internet users. At para madali silang sumikat, ang kanilang mga developers ay patuloy na nagdadagdag ng mga opsyon na nakapagpapadali para sa mga users na madaling makahanap at libreng download sa lahat ng uri ng media. Di nila alintana ang copyright o ang karapatan ng mga may-ari ng media na wag itong ibahagi ng walang pahintulot at kabayaran katulad ng mga may-akda ng libro, pintor, guro, atbp.

Ang mga webmasters at designers na gustong siguruhin ang proteksyon ng web content ay kinakailangan ng matinding solusyon para sa copy protection. Ngunit ito ay may pagkaimposible dahil marami ang mga web browsers ang dinisenyo upang matulungan ang paghahanap-buhay ng mga pirata sa pamamagitan ng pag-disable ng mga proteksyon na itinalaga ng mga site owner. Ang ArtistScope secure web browser ay nagbibigay ng alternatibo upang mabigyan kayo ng opsyon na ibahagi o protektahan ang inyong content sa website. Ang ArtisBrowser ay walang katulad dahil kayang-kayang nitong siguruhin ang proteksyon ng inyong site sa mga panahong ito.

Ano ang ArtisBrowser?

Ang ArtisBrowser ay isang kumpletong web browser. Ito ay hindi balat lamang na ibinalot sa inyong default o normal na web browser. Samakatuwid, ito ay hindi nakokontrol ng inyong default na browser settings at hindi ito madi-disable o mapapahinto nang hindi hinahadlangan ang pag-andar at bisa ng ASPS Web Reader ayon sa plano. Para sa mga teknikal mag-isip, ang gitna o core nito ay kapareho ng Google Chrome at ng Safari Web Browser, ngunit ang kaibahan ay ito ay hiwalay at isang indibidual na sistema na buung-buong ginawa upang ito ay hindi maimpluwensiyahan ng iba.

Saan ang Lugar ng ASPS Kumpara sa Ibang Mga Solusyon?

Sa totoo lamang, walang ibang web browser ang kayang magbigay ng copy protection o seguridad para sa inyong web content. Oo, merong mga browsers na idinisenyo para sa mga tests at eksamen ngunit ang mga ito ay maaari pa ring makopya dahil sa mangilan-ngilang butas. May mga kopya din ng web browsers o ang tinatawag na "skinned IE versions" na nagpapahayag na kaya nilang protektahan ang web content habang pinipigilan ang bisa ng Print Screen at iba pang hotkeys, samantalang ang kanilang bisa laban sa screen capture software ay dulot lamang ng mga tipikal na programs. Halimbawa, ang sinumang gumagamit ng bagong application o nagpapalit ng pangalan of filename ng "screen capture executable" ay maaari nang lampasan ang proteksyon laban sa screen capture software. Bilang karagdagan, ang mga browser na hango sa iba ay hindi nagbibigay ng proteksyon para sa pagdownload ng media. Lahat ng browsers ay may tinatawag na "cache" o temporaryong lalagyanan ng mga dinowload na video, imahe, links, atbp. Ang ASPS Web Reader ay naiiba sapagkat ito ay ginawa upang walang butas na maaring lampasan at panatilihin ang seguridad ng site.

Ang CopySafe Web plugin ay maaaring magbigay ng seguridad na pang-copy protection laban sa lahat ng screen capture at recording software at The CopySafe Web plugin can provide secure copy protection from all screen capture at recording software at ito ay suportado sa lahat ng mga Windows web browsers mula sa XP. Ngunit dahil ito ay isang add-on sa isang tipikal at normal na web browser, ang bisa nito sa pagprotekta ay nakasalalay sa mga browser designers na mas interesadong mamigay at maging popular sa pamamagitan ng pag-expose ng web content sa halip na ito ay protektahan. Samakatuwid, ang ASPS Web Reader ay ang tanging solusyon sapagkat ito ay isang kumpletong browser na hindi maaaring maisahan ang seguridad, at kayang-kaya nitong pigilan ang anumang screen capture.

Paano Gumagana ang ASPS?

Ang ASPS ay nagdidisplay ng web content mula sa server diretso sa web browser gamit ang format na encrypted at tanging ArtisBrowser lamang ang makakaintindi nito. Ang content sa server ay hindi kinakailangang i-encrypt at hindi kakailanganing magpalit-kamay ng web content upang mai-deliver ito gamit ang ASPS. Ang ibig sabihin nito ay kahit anong i-deliver galing sa isang website, katulad ng database records, media at web pages gamit ang anumang computer language ay maidedeliver nang may kaukulang proteksyon at ito ay hindi maaaring kopyahin o i-retrieve.

Bawat website ay maaaring magkaroon ng pribado at pampublikong laman o content (para sa mga search engines at mga taong nagbabasa) nang hindi naka-hiwalay sa HTML code. Kailangan lamang na dagdagan ng extra na meta-tag ang bahagi ng HTML page na ayaw mong mabasa ng iba. Kapag ang meta-tag ay nakita ng server, ang bahagi ng content ay maidedeliver sa encrypted na anyo at tanging ang ArtisBrowser lamang ang makakabasa at display nito. Ang ibang web browsers ay makatatanggap ng error na mensahe at kahit may maitim silang balak na dayain ang sistema, ang tanging makukuha nila ay isang code na hindi kakayanin kahit ng NASA na i-solve sa loob ng isang buwan.

Mula sa Normal na Web Browser Patungong ArtisBrowser?

Halos lahat ng uri ng sites, kasama na ang mga sites na may protektadong content, ay nagbibigay ng daan o paraan para makita sila ng mga kaswal na bisita at search engines. Maaari din itong mangyari sa ASPS content na kinakailangan ng ibang web browser para mabasa ito. Mula sa normal na web pages, maaari kang maglagay ng launch button na magbubukas ng ArtisBrowser sa itinakdang pahina. Ang ASPS ay maaaring buksan gamit ang kahit anong web browser dahil kasama naman ang mga launch plugins sa instalasyon ng Web Reader. Kung ang ArtisBrowser ay nainstall na, maaari itong i-launch mula sa inyong web page. Kung hindi naman ay bibigyan ng download link ang bisita na may kasamang panuto kung papaano makita ang pahina.

Ang Integridad ng ArtisBrowser

Kayang libutin ng AArtisBrowser ang inyong buong website at media, katulad ng kahit anong web browser, ngunit hindi maaaring kpyahin o i-save ang kahit anong content sa kahit anong paraan, maliban na lamang kung iyong pahihintulutan. Gamit ang ArtisBrowser, ang inyong seguridad sa web ay hindi na nakasalalay sa third-party plugins. Hindi na rin ito aasa sa mga limitasyong dulot ng mga pag-iiba ng seguridad ng sistema dahil ang parte na magbibigay ng seguridad para sa iyong content ay bahagi na ng kaibuturan o core ng ASPS browser. Kaya kung ang Web Reader ay tangkaing i-hack o sirain, ito ay hindi na uubra at ang inyong content ay hindi na maida-download at maididisplay. Samakatuwid, protektado pa din ang content ng inyong site kahit anong mangyari.

Ang Performance sa Web ng ArtisBrowser

Nakakalungkot isipin na lahat ng web browsers ngayon panahon na ito ay nagbabahagi ng maling impormasyon pagdating sa copy protection. Lahat sila ay nag-uunahan na makilala bilang pinaka-magaling, mabilis, may pinakamagandang seguridad, atbp., ngunit ang katunayan ay kabaligtaran naman ang kaya nilang gawin. Gumagaya lamang sila ng mga pamamaraan na naiimbento ng mga magaling gumawa ng panangga laban sa mga pirata. Gayunpaman, pag ang mga browsers na ito ay inupdate, lahat ng mga paraang pang-seguridad ay maaari ring mawalan ng bisa. Ang pagiging mabilis naman ng internet ay depende kung gaano ka-busy ang koneksyon sa gumagamit at ang web server at hindi ito dahil sa browser. At hindi lamang iyon. Ang mga ordinaryong browsers ay may tinatawag na "cache" kung saan ginagawa nitong mas madaling i-retrieve ang mga sites na dati mo nang napuntahan. Ang "cache" na ito ay malaking kompromiso sa inyong seguridad sa web.

Kung katulad ka ng iba na hindi nangangailangan ng "cache" at mas nanaisin mo ang katamtamang bilis kumpara sa kulang sa seguridad, ang ArtisBrowser ay kasing-ganda ng mga popular na browsers na ito pagdating sa teknolohiya, sa performance at sa sinusuportahang media nito. At dahil walang "cache" ang ArtisBrowser, hindi kasing-bilis balikan ang mga dating pahina na iyong napuntahan na.

Para sa impormasyon ukol sa presyo, trial at demo, maaaring pumunta sa aming parent site sa pamamagitan ng pag- click dito.


facebook
twitter
email
Live Customer Service