clr
[
    [  
  [
  Ang ArtistScope ay nangunguna sa copy protection at sila ang nagsimula ng lahat ng makabuluhang solusyon mula noon. Matagal na ang nakalilipas mula noong 1998 at hanggang ngayon, ang ArtistScope pa rin ang pinakamabisang solusyong pang-copy protection at rights management sa buong mundo. Ngayon, sila ay nagbibigay ng iba-ibang solusyon upang mabantayan ang lahat ng media sa bawal na pagkopya, rekord o ilegal na pamamahagi, at binibigyang karapatan nito ang mga may-akda, alagad ng sining at negosyante sa pagprotekta ng kanilang pagmamay-aring intelektual at kabuhayan.

Bawat isang solusyon sa baba ay maaaring gamitin sa iba't ibang media at senaryo. Lahat ay nagbibigay ng pinakamabisang proteksyon para sa partikular na media at ang mga solusyong ito ay walang katulad sa mga kasalukuyang ginagamit ngayon:

Digital Rights Management (DRM) para sa mga dokumento at eBooks

Pwedeng palitan o i-convert ang anumang uri ng dokumento sa PDF at maaari itong kontrolin pati na ang mga taong magbubukas, download at print gamit ang ArtistScope DRM. Kasama na dito ang pagtalaga sa bilang ng mga prints, kung sino ang maaaaring gumamit, atbp. Sinisigurado ng aming DRM na tanging ang mga may permiso lamang ang makakabukas, download at pamahagi ng iyong dokumento o eBook, kasama na ang mga dati nang nai-save ng ibang users sa kanilang mga kompyuter. Maaari mong palitan ang permiso at bigyan ng pahintulot and dating hindi nakakagamit sa dokumento at ang pagpapalit ng settings ay kaagad-agad na maipatutupad. Ang Copysafe PDF ay isang libre at hosted na serbisyo at ang ArtistScope DRM ay nababagay sa mga eBooks, tyutoryal at sensitibong dokumento ng inyong kumpanya. Ito ang dapat piliin ng mga nagnanais protektahan ang kanilang mga dokumento. Ito ay maaaring bilhin para sa inyong intranet. Para sa karagdagang impormasyon, trial software at demo ng DRM account, click dito.

Copy at Print Protection para sa Seguridad ng PDF na Dokumento at EBooks

Protektahan ang inyong mga PDF laban sa ilegal na pagkopya at pamamahagi nang walang pahintulot. Ang Copysafe PDF software ay nagbibigay ng pinakamabisang seguridad laban sa lahat ng paraan ng pangongopya, kasama na ang Print Screen at screen capture. May kasama itong DRM options na maaaring gamitin ng mga may- akda at mga umaasa sa internet para sa kanilang kabuhayan upang protektahan ang ang kanilang mga dokumento laban sa anumang uri ng pamimirata. Mula noong 2008, paaralan, embahada, kagawarang panghudisyal at ng mga militar sa lahat ng mga Lahat ng CopySafe PDF na lisensya ay mayroong libreng account para sa mga may- akda sa aming DRM Portal para sa pangangasiwa ng kanilang mga dokumento at mga sibscribers. Para sa karagdagang impormasyon, trial software at demo ng DRM, click dito.

Copy Protection at DRM para sa Video

Walang ibang solusyon maliban sa ArtistScope ang mas mabisa at nagbibigay ng matibay na proteksyon laban sa lahat ng uri ng pagkopya at pag-rekord at nagbibigay ng kakayahan na pangasiwaan ang lahat ng maaari o di-maaaring gumamit sa dokumento. Base sa pinakabagong pagsasaliksik ng ArtistScope, ang solusyong ito ay sadyang inilaan para protektahan ang mga videos ng kliyente na ipinalalabas sa internet. Gamit ang solusyon at DRM na ito, ang mga videos ay maaaring ipalabas sa lahat ng web pages at ang mga ito ay maaaring i- download at panoorin gamit ang isang media player. At kapag nilapatan ng DRM options, tanging ang mga taong may permiso lamang ang makakanood ng video. Ang ibig sabihin nito ay hindi maaaring ipamahagi o ipadala ang video sa iba nang walang pahintulot mula sa may-ari ng video. Ito ay tamang-tama para sa mga negosyante na nais protektahan ang kanilang kabuhayan. Ang video software ay may kasamang libreng account para sa may-akda o may-ari ng video sa aming DRM Portal para sa pangangasiwa ng kanilang mga palabas at subscribers. Ang DRM software ay maaaring bilhin para sa inyong server. Para sa karagdagang impormasyon, trial software at demo, click dito.

Copy Protection para sa Images, Web Pages at Web Media

Ang Copysafe Web ay gumagamit ng isang plugin na suportado ng iba't-ibang web browsers mula Windows XP hanggang ang pinakabagong bersyon. Ito ay orihinal na idinisenyo para protektahan ang mga imahe at litrato laban sa iba't-ibang uri ng pagkopya katulad ng Print Screen at screen capture. Ang mga imahe na nakatago sa server ay protektado rin at malayo sa mata ng mga tao sa inyong kumpanya, pati na ang inyong webmaster at web host staff. Supportado nito ang tinatawag na command-line at batch-import processing. Ang encryption software ay maaaring i-install sa Windows servers para sa pag-poproseso ng mga imaheng nais ninyong i-upload sa inyong website. May kasama din itong libreng add-on na binibigyang kakayahan ang administrador na magkaroon ng scripting controls mula sa mga web pages. Para sa karagdagang impormasyon at demonstrasyon, click dito.

Copy Protection para sa Shared Desktop Conferences

Ngayon, kaya mo nang magpahintulot ng desktop sharing para sa inyong mga pamproduktong demo, pagpupulung-pulong at tutoryal nang hindi nababahala sa inyong seguridad. Hindi maaaring i-rekord ang anumang uri ng demo na inyong gagawin. Sa karaniwang pangyayari, ang mga remote desktop connections ay hindi maaaring gawin nang may seguridad at halos lahat ng mga conferencing software ay mayroong recording function na nagpapawalang-bisa ng inyong seguridad. Ito ay dahil kailangang i-apply ang copy protection sa mismong kompyuter ng user at hindi ng host. Gamit ang ArtistScope RDC, maaari mo nang gamitin ang conference chat, magpasa ng mensahe at kausapin nang sabay-sabay ang iba-ibang users. At ikaw ay may kontrol kung sino sa kanila ang pahihintulutan mong kumopya o mag-rekord ng iyong demo. Para sa karagdagang impormasyon at trial software, click dito.

Website Protection at Secure Web Browser

Karaniwan sa mga website protection ang nalilimitahan ang abilidad dahil sa mga web browsers. Dahil dito, mahirap protektahan ang mga websites dahil umaasa sila sa mga web browsers na hinahayaan ang marami na walang-pakundangang magbahagi at magdownload ng mga media. Kaya para panatilihin ang seguridad ng isang website at protektahan ang laman nito laban sa pag-save at pagkopya, kailangan ng isang web browser na idinisenyo upang partikular na protektahan ang mga web pages at ito ang ginagawa ng ArtistScope Site Protection System o ASPS. Ang ASPS ay nagbibigay ng encrypted na laman ng website papunta sa web browser ng isang user na tanging ang ASPS Web Reader lamang ang makaka-decode at makakadisplay. Samakatuwid, kahit anong uri ng media ay maaaring i-display sa iyong web page at ito ay ganap na mapoprotektahan laban sa iba't-ibang uri ng pangongopya at capture. Ang pinaka-bentahe ng ASPS sa ibang protection solutions ay para lamang ito sa online viewing at hindi kailangan ng "special treatment" katulad ng encryption o obfuscation. Sa ASPS, kaya mong gumawa ng mga web pages katulad ng normal na paglikha ng mga ito. Para sa karagdagang impormasyon, trial at demo, click dito.

Mga Dagdag o Add-ons para sa Paggamit ng Copy Protection sa WordPress

Lahat ng ArtistScope solutions ay may mga dagdag na widgets na maaaring gamitin sa WordPress at iba pang mga CMS solutions upang mapadali ang kanilang pagsali sa mga pahina ng web o posts.

ArtistScope Support

Walang kontratang support ang kailangan para sa kahit aling solusyon. Ang ArtistScope support ay libre at tuluy-tuloy para sa lahat ng lisensyado. Lahat ng mga solusyon ay suportado sa mga Windows operating systems mula XP hanggang sa pinaka-bagong bersyon. Ito ay binubuo ng 92% ng mga gumagamit ng internet at hindi praktikal para sa ArtistScope ang magbigay ng copy protection solutions para sa natitirang 8% na binubuo ng mga users na gumagamit ng iba-ibang OS maliban sa Windows.

Para sa payo ukol sa pagpili ng pinaka-nababagay na solusyon para sa inyo - click para sa libreng konsultasyon.
Home
About ArtistScope
ArtistScope DRM
ArtistScope RDC
ASPS Site Protection
CopySafe PDF
CopySafe Video
CopySafe Web
Support


spacer Copy protect any web site
spacer

spacer
ArtistScope Secure Web Browser
spacer
Copy Protect Resources
 
Copy Protection & DRM News  Pinakabagong Balita para sa Kopya Proteksyon at DRM
 

clr